Inirereklamo ng isang business owner sa Calasiao ang isang empleyado ng Municipal Assessor’s Office matapos umano itong pahiyain at sigawan sa harap ng maraming tao.
Personal na dumulog sa IFM News Dagupan si Ginang Marites Labao upang ibahagi ang insidente ng umano’y pamamahiya sa kanya.
Ayon sa complainant, nagpunta ito sa nasabing opisina upang itanong ang p patungkol sa kinaroroonan ng lupa ng kanyang kaanak na may hawak ng mapa ng bayan noong oras na iyon.
Tinugunan naman umano ito ngunit nang muling magtanong ay dito na siya tinaasan ng boses hanggang sa nagkasagutan ang dalawa.
Dahil dito, hindi naging mabuti ang karamdaman ng ginang at magdamag na nasa ospital dahil sa insidente.
Depensa ng inirereklamong empleyado, mahinahon na nag usap ang dalawa matapos ang sagutan. Nagdulot umano ito ng eskandalo sa buong munisipyo.
Desidido umanong ituloy ng complainant ang kaso laban sa empleyado at idadaan sa tamang proseso ang naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨