Pamamalengke sa Kamuning Market , gagamitan na ng E-wallet at online banking services

Magiging mas mabilis at hassle-free na ang pamimili ng mga taga-Quezon City sa Kamuning Market .

Ayon sa QC Market Development and Administration Department (MDAD), maari nang magbayad ang mga costumer sa mga stall gamit ang anumang E-wallet at online banking services sa pamamagitan ng PalengQR PH.

Ang PalengQR ay isang unified Quick Response code ng mga vendor na maaaring i-scan ng mga mamimili para bayaran ang mga produktong nabili, gamit ang application ng anumang financial service provider tulad ng GCash, Pay Maya, at iba pa.


Ang nasabing proyekto ay inisyatiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Department of the Interior and Local Government sa pakikipagtulungan sa Quezon City government.

Target ng MDAD na malagyan ng PalengQR ang lahat ng vendors sa mga pampublikong palengke sa lungsod ngayong buwan.

Facebook Comments