Dapat nang i-recalibrate ang approach ng militar sa pagharap ng bansa kaugnay sa communist insurgency.
Sinabi ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang mensahe sa selebrasyon ng ika -126 na founding anniversary ng Philippine Army sa Fort Bonifacio.
Siinabi ng pangulo na lumiliit na ang bilang ng communist terrorist group.
Nagawa na aniya ng ground troops ang paglilinis sa komunidad mula sa iba’t ibang internal security threat.
Ang kailangang na lang gawin ayon sa pangulo ay ituloy lang ang paghimok sa mga rebelde na magbalik loob na sa gobyerno.
Ayon sa pangulo, mas may mapaghamong misyon aniya ngayon, ito ay ang alamin ang pinagmulan ng insurgency at nangangailangan ito ng whole of nation approach sa pamamagitan ng pakikipag-tulungan ng national government agencies, civil society groups, pribadong sektor at mismong komunidad.
Dagdag pa ng pangulo na kaniyang sisnisiguro ang patuloy na commitment ng kaniyang administrasyon para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines.