Pamamaraan sa kampanya laban sa iligal na droga, dapat nang baguhin – CHR

Manila, Philippines – Panahon na para magbago ng istratehiya ang Duterte administration sa pagresolba sa suliranin sa iligal na droga.

Ito ang tugon ni Commission on Human Rights chief Chito Gascon kasunod ng naging resulta ng survey ng Social Weather Stations na nagpapakita na marami sa mga pangkaraniwang mamamayan ay kumbinsido na ang mga napapatay sa mga drug operations ay hindi nanlaban.

Sinabi ni Gascon na pinagtitibay lamang ng survey results ang matagal na nilang pangamba sa direksyon ng agresibong pamamaraan sa paglaban sa illegal drugs.


Dahil dito, mas kinakailangan ng epektibo at makabuluhang imbestigasyon sa mga kaso ng nanlaban sa mga otoridad.

Facebook Comments