
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng ambush na naganap sa San Rafael, Bulacan nitong Biyernes ng hapon kung saan tatlo katao ang nasawi.
Ayon kay PNP Spokesperson at Police Regional Office 3 Regional Director PBGen. Jean Fajardo, mayroon nang binuong Special Investigation Task Group ang PNP upang tutukan ang kaso at matukoy ang mga salarin.
Sinabi ni Fajardo na lahat ng anggulo ay kanilang sinisilip kabilang ang posibilidad ng politically motivated ang pagpatay.
Ani Fajardo, batay sa mga impormasyon, isa sa mga biktima ay dating consultant ng mga kilalang political figures sa Bulacan.
Nauna ng inanunsyo ni Fajardo na may ₱2 milyong pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na makakatulong sa paglutas ng kaso.
Dahil sa pangyayaring ito, pinag-uusapan na rin ng mga awtoridad kung irerekomenda ang San Rafael, Bulacan bilang isa sa mga election risk areas sa nalalapit na 2025 midterm elections.