PAMAMARIL | Babae, kritikal matapos pagbabarilin sa Batasan Hills, Quezon City

Manila, Philippines – Kritikal ang kondisyon ng isang babae matapos pagbabarilin sa tapat ng kanilang bahay sa Barangay. Batasan Hills sa Quezon City.

Sa ulat, naglalaba ang biktima na si Rosanna Crisostomo nang huminto ang isang puting van na walang plaka at bumaba ang ilang armadong lalaki.

Agad na pinagbabaril ang biktima at nang masigurong bumulagta na ito ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Naisugod naman sa ospital si Crisostomo kung sana patuloy na inaalam ng mga pulis ang motibo sa krimen.

Facebook Comments