Capiz – Binawian ng buhay habang ginagamot sa Capiz Doctors Hospital ang punong barangay ng Lawaan, Roxas City matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo.
Nangyari ang pamamaril alas 8:20 kagabi sa kilometer 2 ng nasabing lugar habang sakay sa isang motorsiklo ang biktima kasama ang driver na si Otel Casela.
Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan at likurang bahagi ng leeg si Asis at sa balikat naman ang tama ng driver nito. Na-recover ng mga kapulisan ang tatlong basiyo ng 45 caliber pistol, pero ayon sa ilang residente, apat na magkasunod na putok ang kanilang narinig mula sa pinangyarihan ng krimen.
Ayon naman sa mga kaibigan ni Asis, may mga natanggap itong pananakot at threat sa kanyang buhay.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Roxas City PNP upang alamin ang motibo ng pamamaslang kay Asis. Inaalam din ng mga awtoridad kung may kinalaman sa politika at nalalapit na Barangay at SK elections ang nasabing krimen.