PAMAMARIL | Dalawa, sugatan nang pagbabarilin sa Quezon City

Manila, Philippines – Sugatan ang magkapitbahay matapos pagbabarilin ng isang lalaki sa Liwanag Street Barangay Old Balara, Quezon City.

Kinilala ang mga biktima na sina Ronnie Villahermosa, 36 anyos na nagtamo ng tama ng mga bala ng baril sa kaniyang tiyan.

Habang sa likod naman napuruhan si Erlinda Pantinople, 64 taong gulang matapos niyang tangkaing tumakbo.


Ayon sa QCPD Station 6, nagkukwentuhan noon ang mga biktima ng lapitan at pagbabarilin ng suspek na si Gregorio Bugtong.

Agad namang tumakas ang suspek na parang walang nangyari bitbit pa ang baril na kaniyang ginamit.

Nakuha sa crime scene ang dalawang basyo ng kalibre 45 na baril.

Pinaghahanap na ang suspek at inaalam na ang motibo nito sa pamamaril.

Facebook Comments