PAMAMARIL | Dalawang tao, sugatan sa pamamaril sa Taguig City

Taguig City – Sugatan ang dalawa katao matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki sa C-6 road, Barangay Napindan, Taguig City.

Nakilala ang mga biktima na sina Gino din Makmod at Marilyn Saberon, kapwa nakatira sa nabanggit na lugar.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Butch Utto at Baldo Utto, na mga residente ng Barangay Napindan.


Sa imbestigasyon, nasa loob lang ng kanilang bahay sina Makmod at Saberon nang pumasok ang mga suspek at pinag babaril ang mga ito.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima na patuloy na ginagamot sa Taguig-Pateros district hospital.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa naturang krimen.

Facebook Comments