PAMAMARIL | Isa patay, tatlo sugatan sa nangyaring pamamaril sa North Cotabato

North Cotabato – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang tatlong iba pa sa nangyaring pamamaril sa Barangay Takepan, Pikit North Cotabato.

Kinilala ang nasabing biktima na si Ronulfo Bautista kung saan sugatan si Santos Bautista, chairman ng Barangay Takepan Pikit at kasama nitong dalawang kagawad na sina Roberto Midsapak at Robin Salvador.

Ayon sa otoridad na sakay ang apat sa isang multicab galing sa Pikit Gymnasium at pagsapit sa harapan ng isang hardware store ay dito na sila pinagbabaril ng mga suspek.


Nagsagawa naman agad ng hot pursuit operation ang otoridad upang mahanap ang mga hindi pa nakikilalang mga suspek.

Facebook Comments