PAMAMARIL | Isang CAFGU, patay sa pamamaril sa North Cotabato

North Cotabato – Patay ang isang tauhan ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) matapos pagbabarilin ng mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Bualan, Pikit, North Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Rodel Abellanida na nakatalaga sa 31st NCCAA company sa ilalim ng Bravo Company ng 38th Infantry Battalion Philippine Army.

Nagpapastol si Abellanida ng kanyang alagang baka sa Sitio Valencia nang biglang sumulpot ang mahigit sampung armadong kalalakihan sa pamumuno ni Guinda Mamaluba alyas Walo sa ilalim ng grupo ni Duren Manampan alyas Kumander Marine.


Pinagbabaril ng mga rebelde ang biktima gamit ang mga matataas kalibre ng armas saka mabilis na tumakas.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang pursuit operation ng militar para masakote ang mga BIFF.

Facebook Comments