PAMAMARIL | Isang election officer sa Batangas, patay sa riding in tandem

Batangas City – Walang awang pinagbabaril ng riding in tandem ang isang election officer sa Bauan, Batangas.

Dead on arrival sa Bauan General Hospital ang biktimang si Noel Miralles na nakatalaga sa Comelec Office ng Mabini, Batangas.

Sakay ng isang tricycle at pauwi na ang biktima nang pagbabarilin ng mga suspek sa Barangay 4, Poblacion.


Mabilis na tumakas ang mga suspek kaya hindi na naplakahan pa ng mga saksi ang motorsiklong kanilang sinasakayan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo sa krimen.

Facebook Comments