PAMAMARIL | Isang jail officer, patay sa pananambang sa Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang jail officer matapos tambangan sa kanto ng sagrada at Oro-B sa Santa Ana, Maynila.

Alas 10:17 kaninang umaga nang mangyari ang krimen.

Kinilala ang biktima na si George Delfin, 49-anyos, jail officer na nakatalaga sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.


Nagkasa na ng dragnet operation ang pulisya laban sa suspek na sakay ng kulay pulang motorsiklo at nakasuot ng pulang helmet.

Blanko pa ang awtoridad sa motibo ng pananambang.

Facebook Comments