PAMAMARIL | Isang miyembro ng CAFGU, patay matapos pagbabarilin sa Negros Oriental

Negros Oriental – Patay ang isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa bayan ng Santa Catalina sa Negros Oriental.

Kinilala ang biktima na si Bobby Sarino, na miyembro ng COGON patrol base ng CAFGU.

Pauwi na si Sarino sa Barangay Nagbinlod nang harangin at tambangan ng apat na miyembro ng NPA.


Anim na tama ng bala sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ni Sarino.

Facebook Comments