PAMAMARIL | Isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), patay sa pamamaril sa Binondo

Manila, Philippines – Patay ang isang ‪miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos barilin sa loob ng kanilang satellite office sa Parola compound sa Binondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Tranquillino Vuelga, 61-anyos, OIC ng MTPB task force Parola.

Nakuhanan pa sa CCTV ng barangay 275 ang mga suspek bago pagbabarilin ang biktima kung saan sinita at hinarang pa niya ng kasamahan sa trabaho ng biktima ang lalaki na nakasuot ng face mask at sombrero.


May taas na 5’3 hanggang 5’5″ ang suspek at payat ang pangangatawan.

Blangko pa ang mga pulis sa motibo sa krimen at patuloy na pinaghananap ang suspek.

Facebook Comments