PAMAMARIL | Isang pari, sugatan matapos tambangan sa Calamba City, Laguna

Calamba City – Sugatan ang isang pari matapos tambangan ng riding in tandem sa Barangay 3, Calamba City, Laguna.

Sa ulat, walang awang pinagbabaril ng mga suspek ang pari na nakilalang si Father Rey Urmeneta.

Tama ng bala sa likod at kaliwang braso ang tinamo ni si Father Urmeneta habang ligtas naman ang kanyang personal secretary na si Remedios De Belen.


Mabilis na tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa Calamba Medical Center ang biktima.

Sa ngayon ay nasa maayos nang kondisyon ang pari kung saan hinala ng pulisya na posibleng may kinalaman sa negosyo ang pamamaril.

Facebook Comments