PAMAMARIL| Isang security guard pinagbabaril sa Mandaluyong City

Mandaluyong City – Dalawang tama ng bala sa katawan ang inabot ng isang security guard makaraan siyang pagbabarilin sa Barangay Plainview, Mandaluyong City.

Kinilala ang biktima na si Angleo Eyo, 32-anyos, residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa Mandaluyong PNP, bigla na lang sinugod ni Chito Jimenez ang biktima at dito na niya ito binaril sa hindi pa malamang dahilan.


Agad sinugod sa hospital ang security guard matapos magtamo ng tama ng bala sa katawan kung saan patuloy itong inoobserbahan.

Tatakas pa sana ang suspek pero mabuti nalang na mayroong nagpapatrolyang pulis sa lugar kaya at agad siyang naaresto.

Facebook Comments