PAMAMARIL | Jeepney driver, sugatan matapos pagbabarilin

Pasay City – Isang jeepney driver ang sugatan matapos pagbabarilin sa Pasay City.

Naisugod agad sa pagamutan ang hindi pa nakikilalang driver na nagmamaneho na may rutang Dasmariñas-Baclaran.

Tumakas ang suspek matapos ang pamamaril sa bahagi ng north bound lane ng Roxas Boulevard.


Kwento ng ilang saksi, sakay ang suspek ng isang motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon sa pamamaril.

Facebook Comments