PAMAMARIL | Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Cebu City

Cebu City – Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa Barangay Lahug, Cebu City.

Nakilala ang biktima na si Wilfredo Saraña, 47-anyos na residente ng Mabinay, Negros Oriental.

Sa ulat, nakarinig na lamang ng putok ang mga residente kung saan nakita na lamang nila sa bakanteng lote malapit sa barangay hall ang duguan at wala ng buhay na biktima.


Hindi pa naman malaman ng mga otoridad ang motibo sa krimen pero dalawang basyo ng bala ang natagpuan sa crime scene.

Facebook Comments