Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar na walang kinalaman sa pagpapatupad ng checkpoint ngayong ECQ ang pagkamatay ng isang lalaking may sakit sa pag-iisip sa Tondo, Maynila.
Sa ulat, binaril ng barangay tanod na si Cesar Panlaqui ang biktimang si Eduardo Geñoga dahil umano sa paglabag sa curfew.
Pero sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Eleazar na hindi naman iyon checkpoint operation at hindi rin naka-duty noon si Panlaqui.
Tiniyak naman ng PNP Chief na masusi nilang iimbestigahan ang insidente.
“It so happened na siya ay barangay tanod na mayroong dalang baril na walang lisensya. Nagsampa na ng kaso before the Office of the City Prosecutor of Manila an gating MPD,” saad ni Eleazar.
Samantala, inatasan na rin ni Eleazar ang mga police commanders na tiyaking walang dalang baril ang mga tanod na nakakatulong ng mga pulis sa mga barangay checkpoints.