Pamamaril ng isang pulis sa mag-ina sa Tarlac isolated case ayon sa PNP

Ikinokonsidera ng Philippine National Police (PNP) na isolated case lang ang nangyaring pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui,Tarlac kahapon.

Ito ang inihayag ni PNP Chief General Debold Sinas.

Aniya ang ginawang krimen ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca ay hindi magri-reflect sa mga polisiya at practices ng PNP.


Giit ni Sinas mananatili at hindi magbabago ang sinumpaan ng 221,000 police personnel na “To Serve and Protect People”.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay si PNP Chief sa naiwang pamilya ng mag-inang binaril ni Nuezca.

Tiniyak nitong mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mag-inang Sonia at Frank Gregorio.

Facebook Comments