Pamamaril sa isang barangay kapitan, inako ng New People’s Army

Zamboanga del Sur, Philippines – Inako ng New People’s Army ang pamamaril sa bayan ng San Miguel, Zamboanga del Sur na ikinasawi ng isang barangay kapitan na kinilalang Rodrigo Matchuca na nagsisilbing kapitan sa Barangay Dumali-An, San Miguel sa naturang probinsya.

Sa sulat, ipinarating ng NPA na pirmado ni Ka Mario Jose ang spokesperson ng NPA Zamboanga Peninsula Command, si Kapitan Matchuca umano ang utak sa pamamaril ng mag-asawang sina Ronie at Vilma Balwit na aktibong lider ng NPA na timabangan noong Pebrero 27, 2016.

Nagawa umano ito ng NGT NPA bilang ganti sa pagdanak ng dugo sa kanilang kasamahan.


Laman rin ng sulat ng NPA, na ang Baganian Peninsula Front Kara Operations Command ang tumira kay kapitan Matchuca.
DZXL558

Facebook Comments