Pamamaril sa Isang Magsasaka sa Naguilian, Isabela, Patuloy na Iniimbestigahan!

416

*Naguilian, Isabela-* Patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga otoridad sa pamamaril sa isang magsasaka sa Brgy Rang-ayan, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Alfredo Mahor Jr, 47 anyos, at residente rin ng nasabing barangay.


Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), personal na nagtungo sa himpilan ng PNP Naguilian ang nanay ng biktima upang ireport ang nangyaring pamamaril sa kanyang anak.

Magugunita na bandang alas 11:00 ng gabi noong Hunyo 23, 2019 ay natagpuan na lamang ang biktima sa kanilang kubo na naliligo na ito ng kanyang sariling dugo.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklara din itong Dead on Arrival (DOA).

Nabatid na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima gamit ang hindi pa matukoy na uri ng baril.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing insidente maging sa pagkakakilanlan ng responsable sa pamamaril.

Facebook Comments

From Advertisers