Friday, January 16, 2026

Pamamaril sa station commander ng Coast Guard Station Zamboanga, patuloy na iniimbestigahan — PCG

Nakikipagtulungan na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Philippine National Police (PNP) kaugnay ng pagkamatay ng isa nilang tauhan sa Zamboanga Sibugay.

Ayon sa PCG, pinagbabaril si Lieutenant Junior Grade Glennick Ytang sa Barangay Veterans Village, Ipil, Zamboanga Sibugay kahapon.

Batay sa paunang imbestigasyon, binaril ang biktima habang nasa loob ng kaniyang sasakyan.

Si Ytang ay kasalukuyang naka-assign bilang Station Commander ng Coast Guard Station Zamboanga Sibugay sa ilalim ng Coast Guard District Southwestern Mindanao.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PCG sa naiwang pamilya ng biktima

Facebook Comments