Manila, Philippines – Patay ang isang taxi driver matapos pag babarilin sa tapat ng bahay nito sa Barangay Batasan Hills, Quezon City.
Sa imbestigasyon, nakikipag-inuman ang biktimang si Mario Ferrer nang lapitan ng hindi nakilalang mga suspek saka tinadtad ng bala.
Wala naman nasaktan sa mga kainuman nito kung saan mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng isang van.
Ayaw naman magsalita ng mga kapitbahay ng biktima sa nangyaring insidente sa takot na madamay kaya at patuloy ang imbestigasyon para makilala ang mga suspek at ang motibo ng mga ito sa krimen.
Facebook Comments