Pamamayagpag ng extremistang grupo dahil umano sa pagkaantala ng BBL

Ang pagsulputan ng mga extremistang grupo sa rehiyon ng Mindanao ay dahil umano sa kabiguang maipasa ang Bangsamoro Basic Law o BBL . Ito mismo ang sinabi ni Milf Chairman Al Haj Murad Ebrahim sa isinagawang Press Conferece kahapon matapos ang matagumpay na Bangsamoro General Assembly. Ang pagsulputan ng extremistang grupo ay dahil sa kabiguang maipasa ang BBL sa panahon pa ng dating administrasyon.
Naniniwala si Chairman Murad na tanging BBL ang nakikita nilang solusyon para matigil ang pamamayagpag ng grupo tulad ng mga Isis Inspired group sa kanilang ginagawang terroristic activities. Ito rin ang sagot sa matagal ng hinahangad ng mga Bangsamoro na magkaroon na ng pangmatagalng solusyon sa Mindanao problem.(Amer Sinsuat) .

Facebook Comments