DAVAO CITY – Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang pamangkin ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza sa isinagawang anti-illegal drug operations sa Davao City.Ginawa ang buy-bust operation sa bahay ni John Paul Dureza sa bahagi ng Catalunan Pequeño, Davao City.Nakuhanan si Dureza at isa pang suspek na si Jose Anthony Huilar ng halos 15-gramo ng shabu na nagkakahalaga ng p225,000.May nakuha rin mula sa dalawang suspek na isang riple at 117 mga bala.Samantala,kinumpirma ni Dureza na pamangkin niya ang naarestong suspek.Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Dureza na maaga siyang nakatulog kagabi dahil masama pa rin ang kaniyang pakiramdam at siya ay nananatiling nak-sick leaveAt nang siya ay magising ngayong araw, bumungad sa kaniya ang balitang isa sa kaniyang mga pamangkin ang nadakip sa drug buy-bust operationAminado si Dureza na kahiya-hiya ang nangyari dahil malapit na kaanak niya ang nadakip na si John Paul Dureza.Sa kabila nito, pinapurihan ni Dureza ang mga otoridad sa ginawang pagpapatupad nang walang pinapaburanPatunay aniya ito na walang sinisino ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga.
Pamangkin Ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza – Arestado Sa Drugs Operation Sa Davao City, Pagkakaaresto Sa Kaana
Facebook Comments