Pinawi ng pamunuan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ang pangamba ng publiko ngayong papayagan na muli rito ang face-to-face classes para sa mga kursong may kaugnayan sa medisina.
Sa interview ng RMN Manila kay PLM President Prof. Emmanuel Leyco, sinabi nitong dumaan muna sila sa konsultasyon sa kanilang mga estudyante at magulang bago ito ipatupad.
Kasunod nito, nakipag-tulungan din aniya ang PLM sa pamahalaang lungsod ng Maynila at Commision on Higher Education para sa mga kinakailangan pang ayusin sa sistema.
Tiniyak din ng pamunuan ng PLM na isasailalim sa RT-PCR test at ipaprayoridad nila sa COVID-19 vaccine ang mga estudyante na may rotation duty sa Ospital ng Maynila.
Sinimulan ng PLM ang proseso sa paghingi ng approval ng limited face-to-face classes noong Pebrero at ininspeksiyon ng CHED ang mga pasilidad noong nakaraang buwan.