Pamantasan ng Lungsod ng Pasig, handa na sa “Online-Based Learning” ngayong paparating na School Year.

Pinaghahandaan na ng Pamantasang Lungsod ng Pasig (PLP) ang ang panibagong adjustment ng mga estudyante sa kolehiyo, particular ang Online-Based Learning na ipapatupad ngayong paparating na School Year.

Sa kanyang Facebook Page, sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na nagsagawa ang
Pamantasan ng Lungsod ng Pasig Board of Regents ng online meeting upang talakayin ang mga pamamaraan ng pagtuturo sa mga estudyante sa kolehiyo, ngayong nararanasan ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay PLP President Dr. April Alcazar, gumagawa ng mga paraan ang PLP team kung saan naging proactive ang kanilang pagpaplano para sa adjustments na kakailanganin.


Inatasan na rin ni Mayor Sotto si Counsilor Corie Raymundo na siyang Chairman ng Education ng Sangguniang Panlungsod na pangunahan ang pagre-review ng plano sa pagbubukas ng klase.

Facebook Comments