Pamasahe sa MRT-3, hindi magtataas kahit matapos ang gagawing rehabilitasyon – NEDA

Siniguro ng National Economic and Development Authority o NEDA na hindi magtataas sa pasahe sa Metro Rail Transit o MRT-3 pagkatapos ang rehabilitasyon nito.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni NEDA Director General Secretary Arsenio Balisacan na nakapaloob sa kontrata na poprotektahan nito ang publiko laban sa mataas na pamasahe.

Sinabi pa ni Balisacan, kung walang basehan ay walang mangyayaring biglaang taas-pasahe.


Kabilang sa nadagdag ng pondo sa mga proyekto ng gobyerno ay ang rehabilitasyon ng MRT-3.

Sakop ng rehabilitasyon ng MRT-3 ang upgrading ng mga tren nito at riles, signaling system, power supply system, maintenance at communication system.

Paliwanag ni Balisacan na pangunahing intensyon ng rehabilitasyon ay mapahusay ang kapasidad ng MRT-3.

Nauna nang planong magsagawa ng dagdag singil sa pasahe sa MRT-3 na aabot sa apat hanggang anim na piso, at hinihintay na lamang aprubahan ng Department of Transportation (DOTr) board.

Facebook Comments