Manila, Philippines – Ipinasa-subsidize sa gobyerno ang pamasahe ng publiko sa MRT at bus.
Ito ay sa gitna na rin ng pagtaas ng inflation sa bansa.
Ayon kay 1-CARE Party List Representative Roman Uybarreta, maaaring ipatupad ng pamahalaan ang libreng pamasahe sa publiko sa mga piling araw o oras.
Inihalimbawa pa ng kongresista na maaaring gawin ang pagbibigay ng libreng pamasahe sa MRT at bus tuwing Martes, Miyerkules at Huwebes habang kapag Lunes at Biyernes ay kapag rush hour lang ang ipapatupad ang free-fare.
Ipinagagawa ni Uybarreta ang libreng pamasahe sa loob lamang ng dalawa hanggang apat na buwan para makatulong sa mabigat na epekto ng inflation.
Aminado ang mambabatas na magdudulot ito ng lugi sa gobyerno pero direkta naman ang benepisyo nito sa mga pasahero dahil agad gagaan ang kanilang budget sa pamasahe.
Samantala, dinidinig na ngayon ang budget ng Department of Tourism (DOT) para sa susunod na taon ng House Committee on Appropriations.