Manila, Philippines – Naniniwala si Uber Head of Govt. Relations Atty. Yves Gonzales na posibleng tataas ang pamasahe sa Uber at Grab kapag naituloy na ang panghuhuli ng LTFRB sa July 26 ang deadline ng panghuhuli sa mga colorum na Uber at Grab.
Ayon kay Gonzales malaki ang ipapataw na penalty ng LTFRB kapag nahuli ang mga colorum na Uber at Grab kayat mayroon umanong posibilidad na ipapasa nila sa mga mananakay ang pasanin na kanilang binabalikat.
Ito rin ang naging pananaw ng PTNO President Ivan Kloud na mayroon miyembro na mahigit 21 libong mga driver at operators sa Metro Manila, Mega Cebu at Davao City.
Paliwanag ni Kloud hindi na nga sinasagot ng TNC kapag nahuhuli at naiimpound ang sasakyan ng mga driver ng Uber at Grab at kapag natuloy pa ang panghuhuli sa mga kolurom na TNVS na Uber at Grab malamang anya ang multa na 120 libong piso at tatlong buwan na impound na sasakyan ay posibleng babawiin nila sa kanilang mga pasahero sa pamamagitan ng pagtaas ng pamasahe.
Nangangamba si Ariel Tamayo madalas na sumasakay ng Uber at Grab na kapag natuloy ang panghuhuli sa mga kolurom na TNVS ay posibleng magdadagdag ng pamasahe ang Uber at Grab.
Sang-ayon naman si Tamayo sa plano ng LTFRB na dapat irehistro ang mga Uber at Grab para na rin sa kapakanan ng mga commuter sakaling mayroon mangyayari sa kanila may pananagutan ang TNC dito.