Pamasahe, Tataas!

Baguio, Philippines – Simula sa Lunes, Pebrero 24, 2020, magiging siyam na piso na ang regular na pamasahe para sa mga pampublikong jeep.

Dahil sa pagtaas ng krudo at pagmahal ng mga spare parts ng mga sasakyan, matatandaang humingi ng dagdag singil na 50 sentimo ang United Metro Baguio-Benguet Jeepney Operators And Drivers Operation Incorporated sa Land Transportation Francising and Regulatory Board o LTFRB Central Office dalawang taon na ang nakakaraan.

Ilang taon na rin anila ang pamasahe na dati ay P8.50 lamang para sa regular minimum fair at kailangan nang itaas para may dagdag na kita para sa kanilang mga pamilya.


Epektibo pa din naman ang 20% discount para sa mga estudyante,senior citizen at PWD na magiging P7.25.

iDOL, tama lang ba na itaas ang pamasahe dito sa Baguio?

Facebook Comments