Pamaskong handog mula sa taga-suporta ng programang Usapang Batas katuwang ang DZXL 558, nagbigay saya ngayong Christmas season; ilang nakatira sa lansangan nakatanggap ng Noche Buena package

Naging matagumpay ang handog na maagang pamasko ng mga taga-suporta ng programang Usapang Batas at DZXL 558 kasunod ng nalalapit na araw ng Pasko.

Sa pangunguna ng mga anchor ng programang Usapang Batas na sina Radyoman Rod Marcelino at Atty. Claire Castro, naipamahagi sa ilan nating kababayan na kasalukuyang nakatira sa lansangan ang mga Noche Buena package gaya ng ham, keso de bola, bigas, mga de-lata at marami pang iba.

Layon ng naturang pamimigay ng Noche Buena package na iparamdam sa mga sumusuporta ang tulong at maipadama ang tunay na diwa ng Kapaskuhan.


Samantala, ang mga nabigyan ng munting pamasko ay mula pa sa Leyte, Antipolo at Bulacan na nakipagsapalaran sa Maynila para kumita ng pera para may panghanda sa nalalapit na Kapaskuhan.

Facebook Comments