Pambabastos ni Erwin Tulfo kay Sec. Bautista , mali – Ramon Tulfo

Manila, Philippines – Iginiit ni Special Envoy to China Ramon Tulfo na mali ang ginawa ng kanyang kapatid na si Erwin Tulfo na banatan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista.

Sa isang interview, sinabi ni Ramon na dapat din siyang sisihin dahil siya ang head of the family.

Aniya, naging pabaya siya sa pagbibigay ng payo sa kanyang mga kapatid na maghinay-hinay.


Nabatid na humingi na ng paumanhin si Erwin kay Bautista.

Facebook Comments