
Nagpasalamat si Leyte 1st district Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa pagwawagayway muli ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ng watawat ng Pilipinas sa pandaigdigang entablado.
Para kay Romualdez, ang pagbabalik ni Pacquiao sa boxing ring sa edad na 46 ay maituturing ng tagumpay.
Mensahe ito ni Romualdez kasunod ng laban ni pacquiao kay WBC Welterweight Champion Mario Barrios.
Ayon kay Romualdez, maipagmamalaki ng mga Pilipino na nakaukit na din sa kasaysayan na si Pacquiao ang pinakamatandang lumaban sa boxing at panalo sana ng welterweight championship subalit nagpasya ang mga judges na “draw” ang laban.
Diin ni Romualdez, sa bawat suntok ay dala ni Pacquiao ang pangalan ng Pilipinas at sa bawat galaw nito ay tagos ang determinasyon ng isang Pilipinong hindi sumusuko.









