PAMBANSANG PABAHAY, INILUNSAD SA ASINGAN

Isinagawa ang kick-off ceremony ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing Project sa bayan ng Asingan kahapon.
Pinangunahan ng Department of Human Settlements and Urban Development at lokal na pamahalaan ang aktibidad na maghahatid ng murang pabahay sa mga Pangasinense.

Tinatayang tig-92 units ang nilalaman ng dalawang 4-storey building ang itatayo sa Brgy. Carosucan Norte na nagkakahalaga ng hindi hihigit P3, 000 ang buwanang renta.

May sukat na 27sqm ang bawat rent-to-own unit na may kumpletong amenities tulad ng palikuran, kusina at kwarto.

Positibo ang lokal na pamahalaan sa oportunidad na maaaring maibigay ng proyekto sa mga nangangailangan ng bahay sa Eastern Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments