Kasado na sa bayan ng Lingayen ang programa ng pamahalaan na Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program kung saan pirmado na ito ng kinatawan ng LGU Lingayen at ng Department of Human Settlements and Urban Development.
Ginanap ang pirmahan sa Diliman, Quezon City nito lamang ika-19 ng Hulyo.
Sinabi ni Mayor Leopoldo Bataoil na siyang pumirma sa naturang MoU, na napapanahon ang programang ito ng pamahalaan dahil nagpupulong na anila sila sa kanilang opisina na magpatayo ng housing project sa bayan para mabigyan ng solusyon ang mga problema ng mga illegal settlers o ang mga walang permanenteng tahanan.
Layunin din nito upang mabigyan ng disenteng tirahan ang mga salat na residente ng bayan.
Samantala, kasama ng alkalde at ng ahensiya si Rodulfo Luigi Morosi, kinawatan ng Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement Sangguniang Bayan ng Lingayen.
Samantala, matatandaan na idineklara ni PBBM sa pamamagitan ng Executive Order No. 34, na ang programang 4PH ay isang flagship program ng kanyang administrasyon at nakikipagtulungan ito sa lahat ng ahensya na kailangang alamin ang lahat ng mga lupang pagmamay-ari ng pamahalaan na karapat-dapat na babagay sa programang ito ng pamahalaan. |ifmnews
Facebook Comments