Manila, Philippines – Umapila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Pambansang Pederasyon ng kababaihang Magbubukid na bawiin na ang plano ng gobyerno na mag-aangkat ng bigas sa ibang bansa.
Ayon kay Amihan Secretary General Cathy Estavillo pinalakpakan si Pangulong Duterte ng magtalumpati noon sa Talavera, Nueva Ecija at umani ng suporta mula sa mga magsasaka dahil sa pahayag ng pangulo na hindi na mag-aangkat ng bigas ang Pilipinas sa ibang bansa.
Pero nagtataka si Estavillo kung bakit biglang nagbago ang plano ng gobyerno at sinasabing kailangan na umanong mag angkat ng bigas para sa buffer stock sa buwan ng July hanggang September taong kasalukuyan.
Bukod dito nangangamba ang grupo dahil ibibigay umano sa Govt to Private sa halip na government to government ang plano ng pag-aangkat ng bigas.
Paliwanag ni Estavillo kung sa government to private ay kaya nilang diktahan ang presyo ng bigas at pwede rin umano silang lumikha ng artificial shortage ng bigas para mataas ang presyo sa palengke.
Dagdag ng grupong Amihan kapag sa pribado ibibigay ng gobyerno ang papel nalamang umano ng NFA ay mag-inventory ng bigas sa mga bodega.
Naniniwala si Estavillo na kaya ginawa ng pamahalaan ang naturang hakbang ay upang mabawasan ang utang ng NFA na 152 bilyong piso sa mga pribadong bangko taliwas naman ito sa mandatu ng NFA na dapat bilhin ng 10 percent sa ani ng mga magsasaka sa mataas na presyo at magbenta naman ng murang bigas sa palengke.