Pambato ng Cauayan City, 1st Runner Up sa Search for Mr. and Ms. CAVRAA 2018!

Tuguegarao City – Masayang masaya ang mga delegado ng Cauayan City sa pagkakasungkit ng 1st Runner up sa search for Mr. and Ms. CAVRAA 2018.
Ito ang masayang ibinahagi ni Cauayan Delegation Official Rene Tababa sa RMN Cauayan News Team.

Ayon sa kanya, proud umano ang Cauayan City Delegation na nasungkit ang pagiging 1st runner up dahil noong nakaraang taon ay hindi umano nakapasok ang mga pambato ng Cauayan City.

Buong karangalang kinatawan ni Mr. Hans Chavit Aquino at Ms. Patricia Mae Mendoza ang lungsod ng Cauayan City sa pagpapakita ng ganda at talento ng mga Cauayeño sa naturang patimpalak.


Bukod sa pagiging 1st runner up ng dalawang pambato ng Cauayan City, nakuha ni Mr. Cauayan City ang mga awards na Mr. Photogenic, Mr. Congeniality, Mr. Physique, Mr. Best in Smile at Mr. Best in Creative Jeans.

Samantala, mapalad namang nakuha ni Ms. Nueva Vizcaya at Mr. Quirino ang titulo ng pagiging Mr. and Ms. CAVRAA 2018.

Lalong naging dedikado pa ang Cauayan City Delegates na manalo sa iba pang larangan ng paligsahan.

Umaasa naman ang mga delegado na sa pagtatapos ng CAVRAA 2018 ay uuwing nakangiti at babaunin pauwi ang tagumpay.

Facebook Comments