PAMBATO NG PANGASINAN, NAGNINGNING SA MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2025

Bagama’t hindi naiuwi ang korona, isa nang panalo sa puso ng mga Pangasinense si Binibining Andrea Ravanzo Cayabyab, ang opisyal na kandidata ng lalawigan sa katatapos na Miss Universe Philippines 2025.

Sa gabi ng koronasyon, hindi lamang ito naging paglalaban ng kagandahan, kundi isang entabladong nagbigay liwanag sa bawat kwento ng pangarap at determinasyon.

Nakipagsabayan si Andrea sa mga pinakamagagaling at pinakamagagandang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa kabila ng matinding kompetisyon, umani siya ng papuri mula sa mga manonood, pageant fans, at maging sa mga hurado.

Lubos din ang pasasalamat ni Andrea sa mga sumuporta sa kanya mula sa simula.

Si Andrea ay patunay na ang ganda ay hindi lamang nasusukat sa korona, kundi sa tapang ng pusong lumaban at sa inspirasyong naiiwan sa bawat Pilipino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments