PAMBATO NG PANGASINAN, TOP 6 SA CREATIVE CULTURAL COSTUME NG MISS GRAND INTERNATIONAL PHILIPPINES 2025

Ipinamalas ng pambato ng Pangasinan na si Angelica Flores ang kanyang galing at husay sa entablado ng Miss Grand International Philippines (MGIPH) 2025 Preliminary Competition.
Kinilala si Flores bilang isa sa Top 6 Best in Creative Cultural Costume ngayong taon, tampok ang kanyang kasuotang sumasalamin sa yaman at makulay na kultura ng lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Flores, ang kanyang kasuotan ay bunga ng inspirasyon at dedikasyon upang ipagmalaki ang tradisyon at sining ng kanyang lalawigan.
Itinuturing ng mga sumusuporta kay Flores na ang pagkakasama niya sa prestihiyosong listahan ay patunay na kayang makipagsabayan ng mga Pangasinense sa pambansang entablado ng pageantry.
Patuloy namang magbubukas ang MGIPH 2025 ng mga oportunidad para sa kababaihan mula sa iba’t ibang panig ng bansa upang ipakita ang kanilang ganda, talino, at pagmamahal sa sariling kultura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments