Pambato ng Pilipinas na si Kelley Day, kinoronahan bilang Miss Eco International 2020 first runner-up

Kinoronahan bilang Miss Eco International 2020 first runner-up ang pambato ng Pilipinas na si Kelley Day.

Sa isang interview, lubos ang naging pasasalamat ni Kelley sa mga taong sumuporta sa kaniya magmula pa noong unang araw ng nasabing pageant.

Kabog din ang naging sagot ni Kelley sa question and answer portion kung saan tinanong sya tungkol sa kung anong dapat gawin para mapanatiling ligtas ang mga paaralan mula sa karahasan.


Nabatid na si Gizelle Uys ng South Africa ang nagwagi bilang Miss Eco International 2020 habang 2nd runner-up naman si Alexandria Kelly ng USA at third runner-up naman ang pambato ng Venezuela na si Stefania Rodriguez.

Facebook Comments