Pambato ng Pilipinas para sa Int’l Math Competition, napili na

Malaki ang maitutulong sa Pilipinas ng mga nanalo o nanguna sa math challenge ng DepEd.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, karamihan sa  magagandang imbensyon ng tao ay ginamitan ng matimatika.

Mensahe ni Briones sa nanalo ay sana gamitin ang kanilang talento para makatulong sa bansa.


Mula sa halos kalahating milyong kalahok sa math challenge, itinanghal na kampyon sa grade 6 individual competition si Mohammad Nur Casib mula My Precious Child Learning Center, Marawi City.

Habang sa grade 6 team competition, 1st place sina Tracy Lauren Lei at Nicholas Marcus Lua ng Saint Jude Catholic School, Manila.

Kampeon naman sa grade 10 individual competition si Bryce Ainsley Sanchez ng Grace Christian College, Quezon City.

Habang sa grade 10 team competition champion sina Stephen James Ty at Aiman Andrei Kue ng Zamboanga Chong Hua High School, Zamboanga City.

Ang nabanggit na mga talentatong mag-aaral ay nakatakdang ilaban sa international competition.

Nitong 57th International Mathematical Olympiad na isinagawa sa Hong Kong. Pilipino ang itinanghal na kampyon at makasungkit ng gintong medalya.

Facebook Comments