Pambato ng Pilipinas sa 2020 Miss Grand International na si Samantha Bernardo, trending sa Twitter

Habang papalapit ang coronation night sa March 27, patuloy na nakikilala ang pambato ng Pilipinas sa 2020 Miss Grand International na si Samantha Bernardo.

Nangunguna ngayon sa Twitter ang #GRANDnadaWalk ni Samantha na may mahigit 12,700 tweets.

Ito ay matapos na ipakita ng beauty queen ang kanyang signature walk, suot ang checkered multi-colored bodysuit sa naganap na preliminary competition kahapon.


Nauna na rin niyang ipinakita ang kanyang ‘Grandnada Walk’ sa swimsuit competition noong Sabado kung saan napasama siya sa top 5 finalist para sa Best in Swimsuit title.

Ipinakita rin ni Samantha ang kanyang national costume na inspired sa ating Philippine eagle at ang emerald green na evening gown na tinawag niyang “Lipad” na nagrerepresenta sa ibon na mula sa Palawan.

Facebook Comments