Pambato ng Pilipinas sa 2021 Miss Eco International, handang handa na sa coronation night

Handang handa na ang aktres at beauty queen na si Kelley Day na i-represent ang Pilipinas sa darating na Miss Eco International 2021 na gaganapin sa Egypt.

Bagama’t noong nakaraang buwan lamang siya nagsimula sa kaniyang physical preparations ay nakahanda na raw ang kaniyang isipan mula pa noong nakaraang taon.

All set na rin ang mga pasabog na gowns na kaniyang irarampa sa stage, maging ang mga witty answers para sa inaabangan ng lahat na question and answer portion.


Natitiyak din daw ni Kelley na masusungkit na niya ang ikalawang korona ng bansa sa Miss Eco International na unang nasungkit ng beauty queen na si Cynthia Thomalia noong 2018.

Facebook Comments