Pambato ng Pilipinas sa Miss Eco Teen International 2020 Pageant, nasungkit ang tatlong award sa pre-pageant event

146

Umarangkada ang pambato ng Pilipinas na si Roberta Ann Tamondong sa pre-pageant ng Miss Eco Teen International 2020.

Naibulsa ng 18-year old Pinay ang tatlong pre-pageant award kabilang ang pagiging 2ND runner up sa Talent Competition; 1ST runner sa Beach Wear Prime Competition at Best Eco Dress Award kung saan inirampa nito ang Filipiniana-inspired costume na gawa sa reusable plastic bags.


Hindi naman daw nagkamali ng desisyon ang pamunuan ng Miss World Philippines Organization na si Tamondong ang ipadala bilang kinatawan ng bansa sa nasabing beauty pageant.

Nakatakdang ganapin ang grand coronation night sa Albatros White Beach Resort sa Hurgada, Egypt sa darating na Disyembre 6.

Facebook Comments