Pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 na si Beatrice Gomez, bigong makapasok sa Top 3 ng kompetisyon

Bigong makapasok sa Top 3 ng Miss Universe 2021 ang pambato ng Pilipinas na si Beatrice Gomez.

Hanggang Top 5 lamang ang inabot ni Beatrice sa kompetisyon.

Nagwagi namang Miss Universe 2021 ang kinatawan ng India na si Harnaaz Sandhu matapos ang kahanga-hangang sagot nito sa tanong, kung ano ang magiging payo nito sa mga kabataang babae na nakakaranas ng pressure ngayong pandemya.


Sagot ni Harnaaz, maniwala lamang ang mga ito sa kanilang sarili at huwag itong ikumpara sa iba dahil everyone is a hero on your own.

Ang 21-anyos na si Harnaaz ay nagtatrabaho bilang public administrator at ikatlong Miss Universe holder mula sa India.

Samantala, nagtapos sa first runner-up si Miss Universe Paraguay Nadia Ferreira habang second runner-up is Miss Universe South Africa Lalela Lali Mswane.

Facebook Comments