Pambato ng Sorsogon sa 2020 Miss Universe Philippines na si Maria Isabela Galeria, nagback-out!

202

Nagback-out na sa pagsali sa Miss Universe Philippines 2020 ang pambato ng Sorsogon na si Maria Isabela Galeria.

Ito ang mismong inanunsiyo ni Isabela sa kaniyang social media pages kagabi.

Bago ito, nabatid na nag-positibo si Isabela sa COVID-19 nitong September 27, 2020.

Sa announcement kagabi, ibinalita niyang nag-negatibo na siya sa COVID-19 noon pang Linggo, October 11, 2020.

Pero, nagdesisyon na si Isabela na ipagpaliban muna ang pagsali sa pageant na magiging daan sana upang maging kinatawan siya ng Pilipinas sa Miss Universe 2020.

Bagama’t nagkaroon ang Bicolana beauty titlist ng mga karaniwang sintomas ng COVID-19, masuwerte pa rin siyang hindi umabot sa puntong nahirapan siyang huminga.

Bukod kay Isabela, nag-positibo rin sa virus ang kaniyang ama pero magaling na rin ito ngayon.




Nabatid na isa si Isabela sa masugid na sinusuportahan ng aktres na si Heart Evangelista para sa October 25 Grand Coronation Night ng kauna-unahang Miss Universe Philippines pageant.

Facebook Comments