Manila, Philippines – Nananatili sa listahan ng oposisyon para maging pambato sa 2019 senatorial elections sina dating Interior Secretary Mar Roxas at dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ang inihayag ni Senator Antonio Trillanes IV kahit pa sinabi ni Roxas na wala syang plano sa 2019 elections habang si Sereno naman ay wala pa ring desisyon.
Diin ni Trillanes, kinukumbinsi pa rin nilang kumandidato si Roxas dahil magiging asset ito para sa panig ng mga Senador na kasapi ng oposisyon.
Sabi ni Trillanes, si Sereno naman ay hinahayaan nilang dumaan ngayon sa sarili nitong decision-making process.
Ayon kay Trillanes, sa mga susanod na linggo ay ipiprisenta na ng nagkakaisang oposisyon sa publiko ang kanilang kandidato para sa darating na halalan.
Tiniyak ni Trillanes na pagsisikapan nilang maipanalo ang kanilang mga kandidato para makopo ang Senado.